NAISALPAK ni Kyla Inquig ang goal sa ika-80 minuto upang sandigan ang De La Salle University sa 2-1 panalo kontra University of Santo Tomas nitong Huwebes at mapanatili ang korona sa UAAP Season 80 women’s football tournament sa Rizal Memorial Track and Football field.

Kasunod ng winning goal ni Inquig, tinanggap niya ang season MVP award.

Dahil sa nasabing panalo, tumabla na ang De La Salle sa season host Far Eastern University bilang most winningest team sa women’s division na may 10 titulo.

Nauna rito, naiskor ni Inquig ang unang goal ng laban sa pamamagitan ng isang free kick sa ika-12 minuto bago itinabla ni Season 80 Best Striker Shelah Cadag ang laro para sa Tigresses, may 10 minuto ang nalalabi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The girls, they showed true character, playing this way, playing in pain. They’ve been in pain for so long,” pahayag ni DLSU head coach Hans Peter Smit. “They wanted to get this game, chances were there for UST, we also had our chances but UST is a more dangerous team, they’re a healthy team, they’re very fast. I just had to play the mind game, like I said, and in positioning.”

Pinuri din ni Smit si Inquig na tinapos ang kanyang UAAP career sa pamamagitan ng back-to-back titles at back-to-back Most Valuable Player honors.

“It’s very hard to replace her,” sambit ni Smit.

Ang panalo ang una ring back-to-back title para sa DLSU matapos nilang maka four-peat (2002-2006).