Ni Beth Camia

Kinumpirma kahapon ni Pangulong Duterte na tinanggap na niya ang pagbibitiw sa tungkulin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Ito ay kasunod ng pahayag ng Malacañang nitong Miyerkules ng umaga na hindi totoong sisibakin sa tungkulin at hindi rin magre-resign si Aguirre.

“But may I just also tell you now that, I conferred with the officials, I accepted the resignation of Vit Aguirre, my fraternity brother as Secretary of Justice. I’m now looking for a replacement,” sinabi ni Duterte sa pagbibigay ng parangal sa mga natatanging personalidad sa larangan ng pangisdaan na inimbitahan niya sa Malacañang.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nauna rito, inihayag ni Duterte na pinili niya si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief, kapalit ni Director Gen. Ronald dela Rosa.