Ni NORA CALDERON

NAKAHINGA na nang maluwag ang netizens na sumubaybay sa mga buwis-buhay na eksena nina Crisel (Bianca Umali) at Cheska/Crisan (Kyline Alcantara) sa isang dagat sa Batangas, sa kanilang teleseryeng Kambal Karibal.

KYLINE AT BIANCA copy

Pero humanga sila sa lakas ng loob ng dalawa, kahit pa raw sabihing kinunan naman ang eksena sa mababaw na parte ng dagat, ilang oras din kasi silang nakababad sa tubig.

Tsika at Intriga

'Nangangamoy-babaero!' Ricci, tameme sa pick-up lines ni 'Andrea'

Kaya tama ang post ni Marvin Agustin na gumaganap bilang Raymond at ang dahilan kung bakit napunta sila sa gitna ng dagat. Kasama nilang tatlo sa eksena sina Alfred Varagas at Carmina Villaroel.

“I’m so proud of our babies on the set... they are not just another pretty face, they are very talented, hard working and very dedicated. Ganyan ang mga nagtatagal sa industriya. Ang mga taong nagmamahal ng trabaho nila.

Great job beauties! (Sayang wala si Pau sa shot, si Pauline Mendoza na gumaganap namang totoong si Crisel) And congrats to our show!”

Tinutukan ng televiewers ang dalawang gabing eksenang iyon at nakakuha sila ng mataas na ratings, kaya nagpapasalamat sina Bianca at Kyline sa lahat ng mga sumubaybay sa kanila.

Ano ang masasabi nila sa eksenang iyon?

“Hindi po naman ako natakot,” sabi ni Bianca. “Alam ko po naman ready ang staff kung mayroon hindi magandang mangyayari. Pero thankful po kami dahil noong time na kinunan ang mga eksena, nakisama po ang dagat, wala pong alon kaya tuluy-tuloy ang shoot namin.”

“No problem po sa akin dahil marunong po naman akong lumangoy,” sagot naman ni Kyline. “In-enjoy po rin namin ni Bianca ang eksena, para po kaming nag-swimming sa beach. Sure po naman kaming hindi magpapabaya ang production at naka-ready sila sa anumang mangyayari. Salamat po kina Kuya Marvin at Cong. Alfred Vargas na kasama namin sa dagat.”

Ang Kambal Karibal ay napapanood gabi-gabi after ng Sherlock Jr. sa GMA-7.