Ni Ni Edwin G. Rollon

PVF, volleyball bigwigs umalma sa LVPI tryouts

HINDI pa klaro ang usapin sa kompirmasyon bilang lehitimong volleyball federation sa bansa kung kaya’t walang karapatan ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) para magsagawa ng national tryouts para sa National Team.

Ayon kay Philippine Volleyball Federation (PVF) president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada na tila nananaginip ang LVPI at hindi tanto ang tunay na kalagayan ng Philippine volleyball para pagtuunan ng pansin ang tryouts at makalahok sa Asian Games sa Agosto.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Ano kayo hilo?,” pahayag ni Cantada.

“Wala na sa puwesto ang padrino ninyo,pero kung umasta kayo parang kayo pa rin ang hari sa volleyball. Mahiya naman kayo, igalang ninyo ang bagong pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC),” sambit ni Cantada.

Iginiit ni Cantada na nakabinbin sa POC ang kanilang sulat kalakip ang samtambak na dokumento na nagpapatunay na hindi kailanman napatalsik sa POC at PVF at ang LVPI ay likha lamang ng ‘zarsuela’ na kinatigan ng noo’y pangulo ng POC na si Peping Cojuangco.

“Under the POC bylaws and constitutions, kailangan ang two-third vote sa General Assembly para mapatalsik ang isang national sports asscoation (NSA) which hindi naman naibigay sa PVF.”

“We raised this issue before pero walang nangyari. Pero sa leadership ni Mr. Ricky Vargas, naniniwala kami na makakatikim ang PVF ng fairness and justice,’ sambit ni Cantada.

Aniya, maging sa International Federation (FIVB) hindi pa pormal na inaaalis ang PVF bilang miyembro.

“Hindi lang makaandar yung usapin name dahil merong malakas na puwersa na humaharang sa FIVB,” aniya.

Ikinalukot din ng noo ni Ricky Palou, pangulo ng Premier Volleyball League, ang plano ng LVPI na magbuo ng koponan at isabak sa Asian Games na nakatakda sa Agosto 12 sa Indonesia.

“The 2018 Asiad in Indonesia is set to begin on August 12, giving the LVPI just over four months to hold tryouts, select, and prepare the national team for the quadrennial showpiece that features world-class sides from China.

Korea, Japan and Thailand.

“Conflicts in schedule that will likely arise with the UAAP volleyball season nearing the playoffs are likely to further eat up on that preparation time.”

“First of all, we’re not ready. As of today, we don’t have a coach, we don’t have the players. So mamadaliin na naman nila ang formation ng team,” pahayag ni Palou sa panayam ng Spin. ph.

Sinabi ni Palou, dating miyembro ng LVPI, na kahit sapat ang pondo nakuha ng LVPI, hindi ito nararapat para magbuo ng team at dalhin sa Asiad kung saan tiyak na naghihintay ang kahihiyan.

“So kung may sponsor, wag na lang sayangin sa Asian Games. Gamitin na lang yan for the (preparation for the) Southeast Asian Games next year,” aniya.

“Wala pang team, wala pang coach (up until this time), tapos gusto n’yong magpadala ng team sa Asian Games. Eh ang lalakas ng kalaban d’yan - China, Korea, Japan, Thailand,” pahayag ni Palou.