Ni Marivic Awitan

NANATILING nasa tamang landas para sa target nilang 3rd consecutive men’s championship ang National University habang nagtala naman ang De La Salle University ng 4-point lead kontra defending women’s champion Far Eastern University sa ginaganap na UAAP Season 80 chess tournamentt.

Nakatipon ang Bulldogs matapos ang unang 12-rounds ng 35 puntos, may 4.5 puntos ang layo sa pumapangalawang Green Woodpushers (30.5) at 7 puntos naman sa pumapangatlong Tamaraws (28).

.Naghahangad na mabawi ang women’s title na huli nilang nahawakan dalawang taon na ang nakakaraan, nakalikom naman ang De La Salle ng kabuuang 40.5 puntos , kontra FEU na may 36.5 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasunod nila at pumapangatlo sa women’s division ang University of the Philippines na may 30 puntos.

May nalalabi na lamang dalawang rounds ngayong darating na weekend upang makamit ng Bulldogs ang inaasam na mens title at pampitong overall naman para sa Lady Woodpushers sa UST Quadricentennial Pavilion Arena.

Samantala sa juniors division,nangingibabaw pa rin ang FEU-Diliman na may 12-round total na 32.5 puntos, kasunod ang NU (28.5) at UST (27.5).