Ni Orly L. Barcala

Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang kapatid ang isang factory worker, na nakabigti nang paluhod sa loob ng kuwarto nito sa Valenzuela City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jobert Tabo, 24, ng Lamesa Street, Barangay Ugong, ng naturang lungsod.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa inisyal na ulat ng Station Investigation Unit (SIU), nadiskubre ni Arjie ang bangkay ng kapatid na si Jobert sa loob ng silid nito, dakong 10:00 ng gabi.

Mabilis na humingi ng tulong si Arjie kay Leo Moran upang makalagan sa pagkakabigti ang biktima bago dinala sa Valenzuela City Medical Center, subalit idineklarang dead on arrival si Jobert bandang 10:40 ng gabi.

Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang SIU ng Valenzuela City Police upang tiyaking walang foul play sa pagkamatay ni Jobert.

Isinailalim ng pulisya sa awtopsiya ang labi ni Jobert sa Lucio Funeral Homes.