June Mar Fajardo ng San Miguel at Ian Sangalang ng Magnolia  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
June Mar Fajardo ng San Miguel at Ian Sangalang ng Magnolia (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

Laro Ngayon (Araneta Coliseum)

6:30 p.m. -- San Miguel Beer vs. Magnolia (Game 3)

UNAHAN sa kabig ng momentum ang defending champion San Miguel Beer at Magnolia sa pagratsada ng Game 3 ng PBA Philippine Cup best-of-seven title series ngayon sa Araneta Coliseum.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ganap na 6:30 ng gabi ang ikatlong pagtatapat ng Beermen at ng Hotshots para sa serye ng kampeonatong naibaba na sa best-of-5 pagkaraang bumawi ng San Miguel sa natamong kabiguan sa Magnolia noong Game. 1.

Matapos ang nangyari sa unang dalawang laro kung saan nilamangan sila ng malaki ng Beermen at kinailangan nilang maghabol, nangako ang Hotshots na sisikapin nilang maiba ang sitwasyon sa nalalabing mga laro ng finals series.

Naniniwala ang Hotshots na kung gusto nilang manalo ay kailangan nilang makauna at hindi yung naghahabol sila sa huli.

Bukod dito, hindi rin puwedeng i-focus nila ang kanilang depensa kay Junemar Fajardo dahil tiyak na makakagawa ito ng paraan upang makalusot ang kanyang mga kakampi gaya noong Game 2 kung saan naitabla ng Beermen ang serye kahit nalimitahan nila ang reigning 4-time MVP sa 12 puntos at 13 rebounds.

Pumutok naman at nanalasa ang mga outside gunners ng SMB partikular si Arwind Santos.

Gayunman, sa kabila nito may nakita pa ring positibo ang Hotshots sa pangyayari.

“Positive lang, nakabalik kami. Yun lang kasi ‘di kami nag-quit. Yun lang naman pinanghahawakan namin, na hindi kami nagqu-quit kahit ano man ang mangyari,” anang beteranong guard ng Magnolia na si Mark Barroca.

“Matambakan man kami o lumamang kami o grinding game, di kami magqu-quit.”

Sa panig naman ng SMB, inamin ni coach Leo Austria na wala silang karapatang mag-relax dahil naitabla pa lamang nila ang serye at mahaba pa ang kanilang laban kontra sa isang di-basta-bastang katunggali.

“Now we’re able to reduce the series to a best-of-five. We’ll see what happens,” ani Austria. “We have a lot of work to do dahil alam naman natin na ang Magnolia, they’re really determined to win the championship.” - Marivic Awitan