Ni Mary Ann Santiago

Target ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang “zero crime rate” sa kanilang nasasakupan ngayong Semana Santa.

Upang masiguro, sa ganap na 6:15 ng umaga kahapon ay sinimulan na ni EPD Director Police chief Supt. Reynaldo Biay, kasama ang kanyang mga tauhan, ang inspeksyon sa mga sakop nilang police station.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nais matiyak ni Biay ang 100% attendance ng mga personnel na idi-deploy sa mga istratehikong lugar.

Bago naman tuluyang sumabak sa kani-kanilang assignment, pinaalalahanan ni Ibay ang kanyang mga tauhan na maging alerto upang matiyak na walang mananamantala o manggugulo sa paggunita sa Mahal na Araw.

Namahagi na rin ng mga flyers, na naglalaman ng mga safety tips, ang mga EPD personnel upang maiwasang mabiktima ng mga kawatan.