NAKOPO ni Filipino chess wizard Fide Master Alekhine Fabiosa-Nouri ang kampeonato sa katatapos na USM 24th Chess Individual Open Tournament sa Penang, Malaysia.
Nakakolekta ang 12-anyos Grade 5 pupil ng Far Eastern University ng kabuuang 7.5 puntos mula sa pitong panalo at isang tabla.
Nakasama niya sa two-way tie sa unahang puwesto si Ronnie Lim Chuin Hoong ng Malaysia sa 15 minutes plus ten seconds increment rapid time control format.
Subalit ang top player nina FEU chair Aurelio R. Montinola, FEU Athletic Director Mark Molina, FEU Director for Admissions and External Relations Albert Cabasada III at FEU head chess coach GM Jayson Gonzales ay may mas mataas na tiebreak points.
Nakisalo sa ika-3 puwesto si International Master Emmanuel “Manny” Senador ng Pilipinas sa pagkamada ng 7.0 points iskor din na naitala nina Tan Khai Boon, Eshwant Singh at Tan Jia Yun of Malaysia.
Kabilang sa mga pinadapa ni Alekhine ay sina Leong Zheng Haw ng Malaysia sa first round, Divyadarrshini A/P Loganathan ng Malaysia sa second round, Tan Jia Yun ng Malaysia sa third round, Chua Kian Meng ng Malaysia sa fourth round, Goh Jie Yi ng Malaysia sa fifth round, Fide Master Nelson Villanueva ng Pilipinas sa sixth round, tabla kay Ronnie Lim Chuin Hoong ng Malaysia sa seventh round at tinalo si Eng Jia Qian ng Malaysia sa eight at final round.
Nagpasalamat ang tubong Escalante City, Negros Occidental na si Alekhine kina FEU chair Aurelio R. Montinola, FEU Athletic Director Mark Molina, FEU Director for Admissions and External Relations Albert Cabasada, FEU head chess coach GM Jayson Gonzales, Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao, National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Arreza-Pichay Jr., NCFP Secretary-General Rep. Abraham “Bambol” Ng-Tolentino, NCFP Treasurer Atty. Cliburn Anthony A. Orbe at Information Technology (IT) specialist Joselito Cada sa kanilang undying support sa local at international chess campaign.
Ang chess prodigy ay Grade 5 full scholar sa Far Eastern University-Diliman. Siya ang first recipient ng new scholarship sa elementary chess program ng Far Eastern University Athletics Department.