Ni Mary Ann Santiago

Target ng Department of Transportation (DOTr) na dagdagan at gawing 15 ang bumibiyaheng tren ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3) simula sa Abril 2 (Lunes), pagkatapos ng tigil-biyahe para sa taunang general maintenance activities nito ngayong Mahal na Araw.

Ayon sa DOTr, apat na tren na lang ang kanilang kakailanganin upang maabot ang target na 15 operational trains tuwing peak hours.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kumpiyansa ang ahensiya na maaabot nila ang target lalo na’t sinimulan na kahapon ang puspusang pagkukumpuni, pagsasaayos at pagpapalit ng mga bagong piyesa sa kanilang mga tren.

Sa oras na maging 15 na ang bumi b iyahe n g t r en, mababawasan na ang pila ng mga pasahero at iikli ang waiting time sa pagsakay.