Ni Jun Fabon

Iniimbestigahan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang pagpatay sa isang chief cook ng restaurant matapos umanong atakehin ng dalawang miyembro ng “Bonnet Gang” sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni Supt. Rodel Marcelo ang biktimang si Ariel Mistiola Mercader, 38, ng Barangay Sta. Monica, Novaliches.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ng pulisya, nakikipagtalo umano ang biktima sa kanyang tiyuhin sa tapat ng kanilang bahay sa Bgy. Sta. Monica nang bistayin ng bala ng dalawang magkaangkas sa motorsiklo, na kapwa nakasuot ng bonnet, dakong 2:30 ng hapon.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO), namatay si Mercader sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at kamay.

Narekober ang tatlong basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at metallic jacket sa lugar ng krimen.

Masusing inaalam ang motibo sa pagpatay, gayundin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.