DUBAI (AP) – Naharang ng armed forces ng Saudi Arabia ang ballistic missile na pabagsak sa Riyadh na ibinaril ng mga rebeldeng Shiite sa Yemen.

Iniulat ng state television kahapon ng umaga na pinuntirya ng missile ang kabisera ng Saudi. Inilabas ng Saudi-owned Al Arabiya satellite news channel ang footage ng Patriot missile batteries na binabaril ang ballistic missile.

Sinabi ng Al-Masirah, ang satellite news channel ng Shiite rebels ng Yemen, na tinarget ng Houthi rocket forces ang King Khalid International Airport sa Riyadh at iba pang lugar sa Saudi Arabia.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'