Rockets,tumatag; Warriors, ngarag

HOUSTON (AP) -- Naisalansan ni James Harden ang triple-double – 18 puntos, 15 assists at 10 rebounds – para sandigan ang Houston Rockets sa dominanteng 118-99 panalo kontra Atlanta Hawks nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Ito ang ikalawang sunod na panalo na hindi nalamangan ang Rockets tungo sa franchise record 60 panalo ngayong season. Ang Houston ang ika-18 koponan sa NBA na umabot sa 60 panalo sa ika-74 laro sa season.

Umabot sa 24 puntos ang bentahe ng Rockets bago nakagawa ng rally ang Hawks para makadikit sa third period, ngunit nabigo ang Atlanta na makaabante. Hindi na naglaro si Harden sa fourth period tulad sa nakalipas na laro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanguna si Taurean Prince sa Hawks na may 28 puntos, at kumana si Isaiah Taylor ng 26 puntos, luganyngay sa ikatlong sunod na kanbiguan at ikasiyam sa 10 laro.

Nag-ambag si Gerald Green ng 25 puntos at tumipa si Eric Gordon ng 22 puntos.

JAZZ 110, WARRIORS 91

Sa Oakland, California, ramdam ang pagkawala ng apat na All-Stars ng Golden State nang ipalasap ng Utah Jazz ang mapait na kabiguan.

Ratsada si Rudy Gobert sa naiskor na 17 puntos at 15 rebounds habang kumubra si Donovan Mitchell ng 21 puntos para sa Jazz, galing sa dikitang kabiguan sa San Antonio nitong Biyernes. Nag-ambag si Joe Ingles ng 14 puntos, walong assists at six rebounds.

Naglaro ang Warriors tampok ang second unit, sa pangunguna ni Quinn Cook na kumana ng 17 puntos at walong assists.

Bago ang laro, sinabi ni Warriors coach Steve Kerr na hindi makalalaro si Stephen Curry hanggang sa first round ng playoffs upang mahilom ang napinsalang kaliwang tuhod, ngunit, sinabi ni Curry na gagawin niya ang lahat para mapabalis ang pagbabalik ng kanyang liksi.

Hindi rin nakalaro sa Warriors sina one-time MVP Kevin Durant, Draymond Green at Klay Thompson.

“Well, we’ve got to hold down the fort,” sambit ni Kerr.

“We’ve got enough. We’re blessed with a great roster, a lot of depth and so, let’s get going. Let’s play and let’s compete and hold down the fort. There’s no reason why we can’t come out and really play well down the stretch and be ready for the playoffs and then maybe we get Steph back and we’ll see what happens.”

BLAZERS 108, THUNDER 105

Sa Oklahoma, pinatibay ng Portland TrailBlazers, sa pangunguna ni C.J. McCollum na kumana ng 34 punto, ang kapit sa NO.3 sa Western Conference nang kumpletuhin ang pagwaalis sa Thunder sa kanilang four-game head-to-head duel ngayong season.

Kumubra si Damian Lillard ng 24 puntos, habang tumipa si Jusuf Nurkic sa naiskor na 17 punto at 12 rebounds, para sa Tail Blazers.

Nanguna si Russell Westbrook sa Thunder na may 23 puntos, siyam na assists at walong rebounds, habang nag-ambag sina Steven Adams ng 18 puntos at 10 rebounds, at Jerami Grant na may 17 puntos.

CELTICS 104, KINGS 93

Sa Sacramento, California, natipa ni Terry Rozier ang season-high 33 puntos at muntik nang mapantayan ang Celtics ang franchise record sa 3-pointers,sa panalo kontra Kings.

Naglaro bilang starter – kapalit nang napinsalang si Kyie Irving – sa ikaanim na pagkakataon, tumipa si Rozier ng 8 of 12 sa three-pointer, isang kakulangan para mapantayan ang siyam na three-pointer na naitala nina Isaiah Thomas at Antoine Walker.

Nagbalik aksiyon si Jalen Brown mula sa injury at tumumpok ng 19 puntos, habang kumana sina Al Horford na may 14 puntos at Jayson Tatum na may 12 puntos.

Sa iba pang laro, rumampa si LeBron James sa natipang 37 puntos, 10 rebounds at walong assists sa panalo laban sa Brooklyn Nets; ginapi ng Milwaukee Bucks ang San Antonio Spurs, 106-103; Pinabagsak ng Indianapolis ang Miami Heat, 113-107, sa overtime; dinaig ng Los Angeles Lakers ang Toronto Raptors,117-106;