SYDNEY (AFP) – Kabilang ang Sydney Opera House, Eiffel Tower at Red Square ng Moscow sa world landmarks na nagpatay ng ilaw nitong Sabado, bilang pakikiisa sa pandaigdigang kampanya na itaas ang kamalayan sa mga epekto ng climate change.

Ang Earth Hour, sinimulan sa Australia noong 2007, ay inoobserba na ngayon ng milyun-milyong tagasuporta sa 187 bansa, na nagpapatay ng kanilang mga ilaw pagsapit ng 8:30 ng gabi para sa inilarawan ng organisers na “largest grassroots movement for climate change” sa mundo.

“It aims to raise awareness about the importance of protecting the environment and wildlife,” sinabi ni Earth Hour organiser WWF Australia chief Dermot O’Gorman sa AFP.

Sa Paris, nagdilim ang Eiffel Tower sa paghikayat ni President Emmanuel Macron sa mamamayan na makiisa at “show you are willing to join the fight for nature”.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ipinakita sa mga imahe mula sa Asia ang pagdilim ng mga gusali sa Kuala Lumpur kabilang ang Petronas Towers, gayundin sa sikat na harbour skylines ng Hong Kong at Singapore, para markahan ang okasyon.

Ang iba pang global landmarks na nakiisa sa Earth Hour ay ang Empire State Building sa New York.

Sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres na ang okasyon “comes at a time of huge pressure on people and planet alike”. Earth hour is an opportunity to show our resolve to change,” aniya.

Simbolikong hakbang man ang lights-off event, nagbunsod naman ang Earth Hour ng matatagumpay na kampanya sa nakalipas na dekada para ipagbawal ang plastic sa Galapagos Islands at magtanim ng 17 milyong punongkahoy sa Kazakhstan.