MULING sasalang ang pinakamahuhusay na linya ng mga manok panabong sa pagsyapol ng 2018 World Slasher Cup 2 sa Mayo 6-12 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

 IBINIDA nina World Slasher Cup 1 sole champion Patrick Antonio (kanan) at anak na si Tony ang tropeo na inaasahan madadagdagan sa kanilang muling pagsabak sa Slasher Cup 2 sa Mayo.


IBINIDA nina World Slasher Cup 1 sole champion Patrick Antonio (kanan) at anak na si Tony ang tropeo na inaasahan madadagdagan sa kanilang muling pagsabak sa Slasher Cup 2 sa Mayo.

Aksiyong umaatikabo ang inaasahan sa paglahok ng mga top local at foreign breeders at hindi lamang nakatuon ang pansin ng mga kalahok sa premyong naghihintay bagkus sa mismong titulo na ipinapalagay sa sabong community na pinakapamoso.

Itinuturing na “Olympics of Cockfighting,” mapapanood ng sabong community ang mga premyadong local breeders gayundin ang mga kalahok mula sa US, Kuwait, Indonesia, Malaysia, at Taiwan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inaasahan ang pagbabalik ni Rep. Patrick Antonio, kampeon sa Slashers Cup 1, target ang back-to-back championship.

“Ang mga usapan (nila), ‘Mas may laban tayo kung sa Araneta tayo pupunta’… That’s one of the reasons I stayed on (and continued to) participate in the World Slasher Cup,” pahayag ni Antonio.

Para s paghahanda ng mga lalahok, ang 2-cock Eliminations ay sa Mayo 6-7 habang ang semifinals ay gaganapin sa May 8-9 at 4-cock Pre-Finals at 4-cock Finals ay sa Mayo 11-12. Magkakaroon ng isang araw pahinga sa Mayo 10.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa WSDerby Office sa tel. 588-8227 at 911-2928. Para sa nagnanais na manood ng live, makabibili ng tiket sa Tiketnet at tumawag sa 911-5555 para sa reservation.