Ni Bella Gamotea
Nagbabadyang magpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ang presyo ng kada litro ng diesel sa 30 hanggang 40 sentimos, kasabay ng marahil ay tapyas na 10 sentimos sa gasolina, habang 50-60 sentimos naman ang puwedeng bawasin sa kerosene.
Ang napipintong price adjustment sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Marso 13 huling nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Petron, na nagbawas ng P1.20 sa kada litro ng kerosene, 55 sentimos sa diesel, at 35 sentimos naman sa gasolina.