Ni Aaron Recuenco

Inamin kahapon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinagbasehan nila ang testimonya ng iisang saksi sa paghahain ng kaso laban kay Kerwin Espinosa at sa dalawa umanong drug lord — ibinasura ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DoJ) ang kaso.

Sa kabila ng paiba-ibang pahayag ni Marcelo Adorco, lalo na sa petsa ng sinasabing drug transaction, binanggit ni CIDG chief Director Roel Obusan ang mga nagdaang jurisprudence kung saan pumabor ang Korte Suprema sa saksi na may pabagu-bagong testimonya bilang dahilan kung bakit hindi nila naisipang hanapan ng matibay na basehan ang testimonya ng kanilang saksi.

“Those transactions happened years past. You will have difficulty determining the exact time and date but places are easy to remember and those were directly cited by Adorco,” sabi ni Obusan sa press briefing sa Camp Crame sa Quezon City.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“But on the complaint we filed, everything is already there and what was just established here is probable cause.

That is well-grounded belief that a crime has been committed and directly it is stated in other jurisprudence and it is up to the court to expound more on what really happened,” dagdag niya.

Base sa desisyon, idinismis ang kaso dahil sa pabagu-bagong testimonya ni Adorco na naging dahilan upang hindi siya paniwalaan, at dahil sa pagkabigo ng CIDG na makakalap ng ebidensiya sa sinasabing drug transactions.

Gayunman, ipinagdiinan ni Obusan na ang inihain nilang kaso ay matibay upang makaabot sa korte, sapagkat ang kanilang saksi ay sangkot mismo sa transaksiyon.

Si Adorco ay naging driver at bodyguard of Espinosa. Inaresto siya at pumayag na maging state witness.