FEU Street Alliance celebrates as the team wins the UAAP Season 80 Stree Dance Competition at Mall of Asia Arena in Pasay, March 11, 2018 (Rio Leonelle Deluvio)

FEU Street Alliance wins the UAAP Season 80 Stree Dance Competition at Mall of Asia Arena in Pasay, March 11, 2018 (Rio Leonelle Deluvio)

Ni Marivic Awitan

WALA pa halos tatlong buwan na nabubuo makaraang magsimulang mag-eksperimento ang grupo noong nakaraang Enero, ginulat ng Far Eastern University Street Alliance ang marami nang tanghaling UAAP Season 93 Street Dance champion nitong Linggo sa MOA Arena sa Pasay.

Naungusan ng FEU Street Alliance ang dating kampeong La Salle Dance Company at University of the Philippines Streetdance Club para makamit ang una nilang titulo sa streetdance competition.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It feels good. Masayang masaya kami,” pahayag ni FEU coach Randell San Gregorio.

Nakakuha ang koponan ng 85.75 puntos upang maging ikatlong unibersidad na nagwagi ng streetdance title.

Ang kanilang maangas na Godfather theme ang naging susi sa kanilang naging tagumpay.

Nagkamit naman ang LSDC at UP Streetdance Club, dalawang koponang naghati sa unang anim na titulo ng side event, ang 79.80 at 78.60 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Pumang-apat naman ang nakaraang dalawang season na third placer na University of Santo Tomas Prime, matapos makakuha ng 75.60 puntos.

Nagkampeon naman ang UST high school streetdance nang magwagi ang UST Galvanize bilang unang juniors champions.

Tinalo ng UST na nagkamit ng 82.30 puntos,ang FEU-Diliman’s Baby Tamaraws Streetdance Crew (71.50) at University of the East’s Street Warriors (71.10).