Ni Angelli Catan

Pagdating sa talento nating mga Pinoy ay hinding-hindi tayo magpapahuli kahit nasaang sulok man tayo ng mundo.

(image from http://orangemagazine.ph)

(image from http://orangemagazine.ph)

Isang Pinay na naman ang nagwagi sa TGI Friday's World Bartender Championships sa Amerika kamakaialn. Si Jholan Peñafiel ay kinilala bilang 2017 Grand Champion sa Dallas, Texas kung saan ginanap ang kompetisyon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagpakitang-gilas si Peñafiel sa Compulsory Round, kung saan ipinakita niya ang galing niya bilang bartender sa paglikha ng iba’t ibang inumin nang mabilis at maayos. Ipinamalas din niya ang kaalaman sa mga recipe at produkto ng TGI Fridays.

Hindi nagpatalo si Peñafiel sa Freestyle Round na nagbato, nagpaikot at sumalo ng mga bote sa ere habang naghahalo at naglalagay ng mga inumin sa baso.

Ang 1st runner up ay si Michael Ressureccion, ng Pennsylvania, USA, habang si Russell Ward ng Sheffield, United Kingdom ang 2nd runner-up.

Tinalo ni Peñafiel ang ibang mga kalahok mula sa Amerika, Latin America, United Kingdom, at Europe.

Ang unang Pinay na nagwagi sa TGI Friday's World Bartender Championships ay si Rizza Umlas noong 2015.

Ang TGI Friday's World Bartender Championships ay nagsimula noong 1985 upang ipamalas ang kaalaman at galing ng mga bartender nila sa beverage industry.