TRIPOLI (AFP) – Nasagip ng Libyan navy nitong Sabado ang 252 migrant na nagsusumikap na makarating sa Europe, sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa kanlurang baybayin ng bansa.

Sinabi ni navy captain Rami al-Hadi Ghomed na inalerto sila tungkol sa “position of a migrant boat” may 30 kilometro ang layo mula sa Zawiya, kanluran ng Tripoli.

Sinabi nito ang 140 migrant, kabilang ang 14 babae at apat na bata. Dinala sila pabalik sa naval base sa Tripoli bago inilipat sa detention centre.

Ang pangalawang rescue operation ay naganap may 50 km ang layo mula sa Garabulli, sa silangan ng kabisera.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinagip ng navy ang 112 migrants, kabilang ang 30 babae at tatlong bata, na sakay ng inflatable boat, ayon kay navy spokesman Ayoub Kacem.