Ni Liezle Basa Iñigo

Nahaharap sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children (RA 9262) ang isang lalaki na nag-a-apply sa Philippine Army (PA) matapos siyang ireklamo ng buntis niyang kinakasama sa Buguey, Cagayan.

Sa panayam kay SPO1 Maria Jesusa B. Abig, ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Buguey Police, nagtungo sa kanilang tanggapan si Karen Escolastica Domingo, 43, ng Centro 1, Tuao, Cagayan upang ireklamo si Danilo Baltazar, 36, aplikante sa Army, ng Barangay Pattao, Buguey, Cagayan.

Sa pahayag ni Domingo, nagpaalam umano ang suspek na magpupunta sa Camp Aguinaldo, Quezon City para mag-apply sa pagkasundalo noong Hulyo 2017 pero hindi na bumalik.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kalaunan, nagpadala umano ng text message kay Domingo si Baltazar na nagsasabing hindi na ito uuwi at may iba nang kinakasama sa Isabela, at nagkaroon na ng anak noong Oktubre 2017.