Ni Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Dalawa sa tatlo umanong ‘carnapper’ ang naaresto ng pulisya sa isinagawang hot pursuit operation sa Zone 7, Barangay Sto. Tomas sa San Jose City, Nueva Ecija, nitong Lunes ng gabi.

Inihayag ni Supt. Marco Dadez, San Jose City Police chief, na naaresto ng kanyang mga tauhan sina Jowel Masangkay, 24, criminology student; at Melchor Zabala, 37, binata, construction worker, ng Bgy. Calaocan, San Jose City.

Nakatakas naman ang isa pa nilang kasabwat na si Jaymark Santos, na pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Natuklasan sa imbestigasyon na dakong 8:30 ng gabi nang ilatag ang operasyon na nagresulta sa pagkakabawi sa nakaw na motorsiklo sa dalawang suspek sa Bgy. F.E. Marcos sa San Jose City nitong Marso 2 ng gabi.

Kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law ang inihain ng pulisya laban sa dalawa.