Ni Aaron Recuenco

Pinatay ng 33-anyos na magsasaka ang kanyang kinakasama at ang dalawa nilang anak bago siya binaril at napatay ng mga rumespondeng pulis sa bayan ng San Andres sa Romblon, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Chief Insp. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-4B Mimaropa, na binaril ng mga awtoridad si Michael Falceso makaraan umano nito ngayong tangkaing sugurin ng bolo ang mga rumespondeng pulis.

“He was taken to the hospital but was declared dead,” ani Tolentino.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Tolentino na bandang 6:30 ng umaga kahapon nang mai-report sa pulisya ang tungkol sa pamamaslang ng isang lalaki sa buong pamilya nito sa Sitio Tinimbawan sa Barangay Calunacon.

“When the policemen entered the house to check, the suspect went out of the room and tried to attack them. He was shot in the stomach,” kuwento ni Tolentino.

Matapos ang insidente, kinumpirma ng pulisya ang pagkamatay ni Mylene Talangan, 31, live-in partner ni Falceso; at dalawa nilang anak na sina Emilyn, 9; at James, limang taong gulang.

Ayon sa mga kapitbahay, bago ang insidente ay narinig pang nagtatalo sina Talangan at Falceso hanggang pagtatagain ng huli ang mag-iina.

“The heated argument between the couple, according to the witnesses, was due to the constant nagging of his live-in partner every time he was drunk,” sabi ni Tolentino.