Ni Mary Ann Santiago

Pinaghahandaan na ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 ang inaasahang mas madalas na aberya ng mga tren nito dulot ng unti-unting pag-init ng panahon.

Ayon kay Michael Capati, MRT-3 director for operations, inaasahan nilang mas maraming technical problem ang mararanasan kapag mainit ang panahon dahil sa pag-iinit ng riles at ng makina ng tren, na pangunahing mga sanhi ng aberya.

Kaugnay nito, tiniyak ni Capati sa publiko na pinaghahandaan na ang pamunuan ng MRT ang mga ito.

Aniya, bumili na ng mga bagong air conditioning units para sa mga bagon.

Depensa ni Kaufman: Target ng war on drugs, para lang sa mga kriminal at 'di buong Pilipino

Magkakaroon din, aniya, ng taunang maintenance activity sa MRT ngayong Mahal na Araw.