Ni Leandro Alborote
CAMILING, Tarlac - Naospital ang 23 grade school pupil matapos sila umanong malason sa kinain nilang candy sa Surgui Elementary School sa Barangay Surgui 2nd, Camiling, Tarlac, nitong Lunes ng tanghali.
Nakaramdam ang 23 bata ng matinding hilo, pananakit ng tiyan at pagtatae.
Sa imbestigasyon ni PO1 John Ronald Cruz, nangyari ang umano’y food poisoning pasado 12:00 ng tanghali, at kaagad na naisugod sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital ang mga biktima.
Napag-alaman na nakabili ng candy ang isang grade school pupil sa hindi natukoy na tindahan sa Bgy. Surgui 2nd na pinaghati-hatian ng mga mag-aaral.
Patuloy pang inoobserbahan sa pagamutan sina Cheska Dagan, 9; Mark Darwin Secoral, 9; Jemmel Toledo, 10; Cornelio Escano, 10; Gean Martin, 9; Cobe Vargas, 9; Kresha Campos, 9; Kimzy Garcia, 10; Frank Ampoon, 9; Kristine Salvador, 10; Krisha Lucas, 9; Angel Albino, 9; Justine Pascua, 10; Zianne Dela Cruz, 10; Samantha Diaz, 9; Stephen Rain Pagarigan, 9; Jean Denise Baes, 9; Paul Gerald Balaghay, 8; Mischelle Angela Bautista, 10; Adam Capilar, 10; Mark Oliver Valencia, 9; Kyle Corpuz, 9; at Ivory Tambaon, 10 anyos.