Ni Fer Taboy

DUEÑAS, Iloilo – Kalaboso ang isang ama matapos niyang i-hostage ang kanyang sanggol dahil sa kalasingan sa Dueñas, Iloilo nitong Linggo.

Sa report ng Dueñas Municipal Police, ang suspek ay 36-anyos na taga-Barangay Buenavista, Dueñas.

Sinabi ni SPO1 Amy Aguilar, imbestigador ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD), madalas umanong naglalasing ang suspek at karaniwang napagbabalingan ng galit ang isang taong gulang niyang anak.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Binanggit ng pulisya na ayaw ibigay ng ama ang bata sa kahit na sinong miyembro ng kanilang pamilya.

Dahil dito, kaagad na humingi ng tulong sa mga pulis ang pamilya at nagawang mailigtas ang bata makaraang makumbinsi ng mga pulis ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act (Republic Act 9262).