Ni Nitz Miralles

NAKA-CONFINE na naman sa St. Luke’s Medical Center Global si Claudine Barretto dahil naaksidente habang nasa bahay niya.

claudine copy copy

“Hay naku back to the ER. Had an accident I slipped & fell down the stairs. Super low blood my Palanggas I fainted & fell. But I’m being well taken cared of here at the Hospital. God bless u all my Claudians & CLAUDINATICS.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Marami ang nag-post ng get well messages kay Claudine na ipinagpasalamat niya. May mga nagpayo rin sa kanya na huwag masyadong magda-diet para hindi bumaba nang husto ang blood pressure niya.

Samantala, matutuwa ang fans ni Claudine kung totoo ang tsikang babalik na siya sa telebisyon, pero hindi raw siya aarte kundi magho-host. May mga makakasama siyang host, pero dahil hindi pa kongkreto ang balita, hintayin na lang natin na ang ABS-CBN ang mag-announce.