Wade, kumikig; buzzer-beating sa panalo ng Wizards

MIAMI (AP) — Nagsalansan si Dwyane Wade ng season-high 27 puntos, tampok ang krusyal na jumper sa huling 5.9 segundo para sandigan ang Heat kontra Philadelphia 76ers, 102-101, nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Naisalpak ni Wade, naibalik sa Miami mula sa pinasukang three-team trade ng Cleveland, ang kabuuang 15 puntos sa final period para maagaw ang panalo sa dikitang laban.

Nag-ambag si Goran Dragic ng 21 puntos para sa Heat, at tumipa si Tyler Johnson ng 15 puntos at 11 rebounds.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna si Joel Embiid sa Philadelphia sa naiskor na 21 puntos, habang humirit si JJ Redick ng 21 mula kay Dario Saric. Umabante ang 76ers sa pinakamataas na 10 abante.

CAVS 129, NETS 123

Sa Cleveland, tumapos si LeBron James na may 31 puntos sa panalo ng Cavaliers kontra Brooklyn Nets.

Humugot din si James ng 12 rebounds at 11 assists para sa ika-12 triple-double ngayong season at –ika 67th sa kanyang career. Umabot din siya sa 8,000 assists at tinanghal na unang plyer sa kasaysayan ng NBA na nakagawa ng 30,000 puntos at 8,000 rebounds.

Nakumpleto ni Rodney Hood ang three-point play may 40 segundo ang nalalabi para maibigay sa Cleveland ang 123-121 bentahe. Naselyuhan ang panalo mula sa dalawang freethrows ni George Hill.

Nanguna si DiAngelo Russell sa Brooklyn na may 25 puntos, habang tumipa sina Caris LeVert at DeMarre Carroll ng tig-17 punto.

BLAZERS 116, KINGS 99

Sa Portland, Oregon, tinupok ng Blazers ang Sacramento Kings, sa pangunguna ni Damian Lillard na may 26 puntos at 12 assists.

Nag-ambag si Jusuf Nurkic ng 17 puntos at siyam na rebounds para sa Portland, nasa No.5 seed sa labanan sa prangkisa.

Nanguna si Zach Randolph sa naiskor na 20 puntos sa Kings, nagtamo ng limang sunod na kabiguan at ika-10 sa Portland’s Moda Center.

WIZARDS 107, BUCKS 104

Sa Milwaukee, naisalpak ni Bradley Beal ang krusyal na three-pointer para sa kabuuang 21 puntos sa panalo ng Washington Wizards kontra Bucks.

Sumambot si Otto Porter Jr. ng 17 puntos at kumana si Markieff Morris ng 14 para sa Washington at tinuldukan ang seven-game winning streak ng Philadelphia 76ers.

Nanguna si Giannis Antetokounmpo sa Bucks sa naiskor na 23 puntos, at 13 rebounds, gayundin si Jabbari Parker na may season-high 19 puntos.

Sa iba pang laro, dinaig ng Charlotte Hornets, sa pangunguna ni Kemba Walker na may 31 puntos, ang Hornets, 118-113.