Ni Mar T. Supnad

MARIVELES, Bataan – Isang 40-anyos na ginang ang nagsilang ng kanyang ika-11 anak sa loob ng namamasadang mini bus, at dahil sa sakto sa panahong pagsaklolo ng isang kumadrona ay naisalba ang buhay ng ina mula sa labis na pagdurugo.

Sakay si Marivic Opinio sa mini bus na tumatahak noon sa Roman Highway sa Barangay Batangas Dos sa Mariveles nang biglang mag-labor ang ginang at magdugo dahil malapit na itong manganak.

Kaagad na humingi ng tulong ng pulisya ang hindi nakilalang mini bus driver, kaya humingi ng ayuda si PO3 Jonathan Torcutor kay Maria Alaine Hershey Balan, kumadrona sa munisipyo ng Mariveles.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dahil sa maagap na pagresponde ni Balan sa mag-ina, nailigtas niya ang buhay ni Opinio mula sa labis na pagdurugo, at maluwalhati nitong naisilang ang isang malusog na sanggol na lalaki.