Ni Nitz Miralles

MABILIS na nilinaw ni Sharon Cuneta ang kumalat na balitang nakita sila ni Gabby Concepcion na nakikipag-meeting sa head ng Star Cinema. Maraming fans nila ang natuwa dahil ibig sabihin daw malapit nang matupad ang matagal na nilang pangarap at ipinagdarasal na reunion movie nina Sharon at Gabby.

Gabby at Sharon copy

Ayaw ni Sharon ng fake news, kaya agad siyang nag-post sa social media account niya ng paglilinaw and in capital letters pa.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“MAJOR CORRECTION. NO ONE FROM STAR CINEMA OR ANY OTHER FILM PRODUCTION OR ANY TELEVISION NETWORK WAS WITH US AT LUNCH TODAY. DETAILS ARE UNDER WRAPS. SORRY!”

Totoo naman ang sinabi ni Sharon dahil based sa photos na ipinost nila ni Gabby, ang mag-asawang Ricco at Tina Ocampo ang ka-lunch nila sa Manila House noong February 22. Kung para sa anong project ang lunch/meeting na ‘yun, hintayin na lang natin.

Aliw ang hashtags ni Gabby sa photos nila ni Sharon na #goodvibesonly #forgiveness #goodolddays #holdinghands.”

Anyway, kabilang sa naghihintay ng ending ng Ika-6 Na Utos ang ilang Sharon-Gabby fans dahil ibig sabihin nito, puwede nang gumawa ng pelikula sina Sharon at Gabby.

May post si Gabby sa nalalapit na ending ng Ika-6 Na Utos na more than one year din ang airing sa GMA-7:

“Making the best time with the cast and staff. Malapit na. Sad. Abangan. Thanks for the pic. Shine!”