DINUMOG ng mga runners ang AmCham ScholaRun sa pagtataguyod ng Chevron.
DINUMOG ng mga runners ang AmCham ScholaRun sa pagtataguyod ng Chevron.

KABUUANG 200 empleyado ng Chevron Philippines Inc. (CPI), marketer ng Caltex fuels and lubricants, ang nakibahagi sa 7th Amcham ScholaRUN – ang taunang fund-raising run na itinataguyod ng American Chamber of Commerce Foundation Philippines, Inc. (ACCFPI) – kamakailan sa Central Park, SM Seaside Complex, Pasay City.

Umabot sa 3000 runners ang nakiisa sa programa na nakalaan para suportahan ang mga kabataan na nasa pangangasiwa ng AmCham Scholars. Sumabak ang mga kalahok sa 3km track (P550), 5km track (P600) at 10km track (P650).

“Chevron has been a partner of Amcham Foundation for ScholaRun since its inception. This is a perfect employee wellness engagement activity with the family and at the same comes with a purpose by funding the scholarship program of the foundation,” pahayag ni Atty. Raissa Bautista, Manager – Policy Government and Public Affairs, CPI.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Nagsimula ang programa noong 1986 at taon-taong itong isinasagawa pra masustinahan ang pagbibigay ng ACCFPI ng suporta sa mga scholar sa high school, college at vocational students sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan. Sa pamamagitan nito, libreng nakapag-aaral ang mga piling kabataan at nagagabayn maghing ang kanilang OJT at employment assistance.

“It started as a concept idea to raise fund to get more scholars. It has become a trademark of the American Chamber of foundation. A lot of people have worked very hard to put this event together. It's quite an event by having around 3000 runners and I feel very proud. The presence and participation of our partners creates electricity and popularity to the event; which goes a long way towards helping us fund more and more scholars,” pahayag ni Edwin Feist, President ng the American Chamber of Commerce.