Jun Banaag
Jun Banaag
MATAPOS isadula sa Malaala Mo Kaya ang buhay ng Showbuzz anchorman na si Ahwell Paz ay panahon na rin para isiwalat at buhay at (bawal na) pag-ibig ni Bro. Jun Banaag aka Dr. Love.

Sa kanyang 20 taon nang programang Dr. Love Radio Show sa DZMM ay inamin niya ang kanyang mga pagkakamali noong kanyang kabataan. Hindi niya itinago at lalong hindi niya ipinagmalaki ang kanyang pagiging babaero, bagay na lubos niyang pinagsisihan. Sampung taon siyang nawalay sa kanyang pamilya at namuhay sa pagkakasala sa America. Hanggang isang araw ay nagdesisyon siyang balikan ang pamilya niys.

Kung paano siya nagbalik loob sa Diyos at ginawa Siyang sentro ng kanyang buhay is another highlight of his colorful life at naniniwala kaming maraming makaka-relate sa kanya. Higit sa lahat, ang kuwento ng kanyang buhay ay kapupulutan ng mga aral. --Remy Umerez
Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'