Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Batangas City Coliseum)

5:00 n.h. -- Alaska vs San Miguel

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

ITATAYA ng reigning champion San Miguel Beer ang kanilang pamumuno sa pagtutuos nila ng Alaska ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Philippine Cup na dadayo sa Batangas City Coliseum.

Ganap na 5:00 ng hapon ang salpukan ng Aces (6-3) at ng Beermen(6-2) na kapwa galing sa kabiguan sa nakaraan nilang laban, ang Aces sa kamay ng NLEX Road Warriors, 87-96 noong Pebrero 11 at ang Beermen sa kamay ng Blackwater Elite, 96-106

Inamin ng Beermen na hirap sila sanhi ng pagkawala ng isa sa kanilang ace guard na si Alex Cabagnot dahil sa injury.

Bagamat mayroon silang mga reserved guards na sina Chico Lanete at Brian Heruela na sinisikap mag step-up upang punuan ang naiwang puwang ni Cabagnot, kinakailangan pa rin ng total team effort upang makabalik sa winning track.

Kailangan nilang makahanap ng solusyon upang di gaanong maramdaman ang pagkawala ng kanilang ace playmaker.

“We just have to figure it out somehow and someway, “ ani Chris Ross.

Para naman sa kampo ng Aces, naputol ang kanilang 6-game winning streak ng NLEX, naniniwala silang hindi pa sapat ang kanilang ipinapakitang performance upang maibalik ang dating tatak o identity ng koponan na hinangaan ng kanilang mga fans bilang “comeback kings”

Kasalo ang Aces ng Magnolia Hotshots na nakatakdang sumabak kontra Globalport kahapon habang isinasara ang pahinang ito. sa second spot taglay ang barahang 6-3, panalo-talo.