Ni Leonel M. Abasola

Iginiit ni Senator Antonio Trillanes IV na nauunawaan niya ang sentimyento ng mga opisyal ng Davao City nang ideklara siya ng pamahalaang lungsod bilang “persona non grata” dahil sa pagiging kritikal niya kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Trillanes na hindi niya maaaring sisihin ang mga ito dahil puro peke ang datos na ibinibigay sa mga ito.

Nanindigan si Trillanes na ang kanyang komento na ang siyudad ay “the most dangerous city in the Philippines” ay batay na rin sa ulat ng Philippine National Police (PNP) noong 2015 na ang Davao City ang may pinakamataas na insidente ng murder, at ikalawa naman sa rape.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The truth, definitely, hurts. My statement was based on the December 2015 statistics of the PNP that Davao City has the highest incidence of murder and second highest in rape,” anang senador. “The people of Davao either know it but tolerate it out of fear or they’ve actually believed the lie that was fed to them that Davao City is the safest city in the world.”

Ilang personalidad na ang idineklara ng Davao City Council bilang persona non grata, kabilang ang komedyanteng si Ramon Bautista, na noong 2014 ay nagbirong mga “hipon” ang kababaihan ng siyudad; at si retired General Jovito Palparan, na noong 2010 ay tinawag ang lungsod na breeding ground ng mga komunista.