Ni Marivic Awitan

NAITALA ni SJ Belangel ang career-high 31 puntos, tampok ang 16 sa final period upang pangunahan ang Ateneo de Manila sa 78-68 panalo kontra National University at kumpletuhin ang double round eliminations sweep ng UAAP Season 80 juniors basketball tournament nitong Linggo sa Blue Eagle gym.

Nagposte rin ang graduating guard ng pitong rebounds, tatlong assists, at isang steal para makopo ng Blue Eaglets ng outright Finals berth.

“SJ carried us today,” ayon kay Ateneo head coach Joe Silva.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Maghihintay na lamang ang Blue Eaglets sa resulta ng stepladder semifinals para malaman ang makakatunggali sa championship match.

Ngunit, bago ang stepladder semifinals, maghaharap muna ang University of Santo Tomas Tiger Cubs at Adamson Baby Falcons na nagtabla sa No. 4 spot hawak ang patas na barahang 7-7 sa pagtatapos ng eliminations para sa huling spot sa semis sa Miyerkules sa Blue Eagle Gym.

Kapwa nagwagi ang dalawang koponan sa kanilang huling laban sa eliminations, ang Tiger Cubs kontra defending champion Far Eastern University -Diliman, 64-62 at ang Baby Falcons laban sa De La Salle-Zobel, 75-51.

Ang mananalo sa Cubs at Baby Falcons ay makatapat ng third seed Baby Tams(8-6) sa unang stepladder semifinals kung saan ang mananalo ay sasagupain ang second seed at twice-to-beat NU Bullpups (11-3)

“Our mission is not yet done. We still have work to do,” dagdag ni Silva .

Pinamunuan naman ni Migs Oczon ang natalong Bullpups sa kanyang itinalang season-best 17 puntos.