WALANG pagsidlan ang kasiyahan ng La Salle volleyball team matapos ang impresibong panalo laban sa University of Santo Tomas sa UAAP women’s volleyball.  ( MB photo | RIO DELUVIO)
WALANG pagsidlan ang kasiyahan ng La Salle volleyball team matapos ang impresibong panalo laban sa University of Santo Tomas sa UAAP women’s volleyball. ( MB photo | RIO DELUVIO)

INSPIRADO mula sa kanilang naging panalo kontra archrival National University, naitala ng defending champion Ateneo ang ikalawang sunod na panalo pagkaraang igupo ang dating lider na University of Santo Tomas, 25-22, 25-15, 25-23 kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa men’s division ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagtala si reigning 3-time MVP Marck Espejo ng 14 na attack points at dalawang blocks bukod pa sa limang digs at 10 excellent receptions upang pangunahan ang Blue Eagles na nagtabla sa kanila sa Tigers sa barahang 2-1.

Nag -ambag naman ng 12-puntos si Ron Medalla na kinabibilangan ng 10 hits at tig-isang block at ace.

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

Nakalamang pa ang Tigers sa hits (38-36) at sa receptions (41-34) pero bumawi ang Blue Eagles sa blocks (6-4), service ace (2-0) at digs (23-15).

Sinamantala rin ng Blue Eagles ang maraming errors ng Tigers partikular sa kanilang service na umabot ng hanggang 31 kumpara sa itinala nilang 18 errors.

Pinangunahan ni Arnold Bautista ang losing cause ng UST sa itinala niyang 12 puntos kasunod si Manuel Medina na tumapos na may 10-puntos.

Dahil sa pagkatalo ng UST, tanging ang Far Eastern University (2-0) na lamang ang natitirang koponan na wala pang talo ngayong season.

Sa ikalawang laro, agad ding bumawi ang National University sa kabiguang natamo sa kamay ng Ateneo pagkaraang igupo ang University of the East, 25-14, 25-19, 25-12.

Nagtala ng 18-puntos si Fauzi Ismail at 17-puntos naman si Bryan Bagunas upang pamunuang nasabing pagbalik ng Bulldogs sa winning track na nagtaas sa kanila sa 2-1 marka kapantay ng Ateneo at UST.

Dahil sa pagkatalo, lalong nabaon ang Red Warriors sa buntot ng team standings sa pagkasadlak sa ikatlong dikit na kabiguan. - Marivic Awitan