Ni Betheena Kae Unite

Sarado ang ilang bahagi ng pitong pangunahing lansangan sa Quezon City at Caloocan City, upang bigyang-daan ang pagkukumpuni at rehabilitasyon sa mga ito ngayong weekend, inihayag kahapon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro na isasailalim sa reblocking at repair ang mga sirang bahagi ng anim na kalsada sa Quezon City at isang lansangan sa Caloocan City.

Sa Quezon City, may reblocking sa northbound ng Visayas Avenue, harapan ng Department of Agriculture (DA) inner lane; sa EDSA sa pagitan ng Landers Street hanggang Howmart, 5th lane; sa Congressional Avenue Extension bago mag-Visayas Avenue, 1st lane; sa Congressional Avenue mula EDSA hanggang Cagayan Street, 3rd lane; sa Quirino Highway buhat sa T. Urbano hanggang Pagkabuhay Road, inner lane; at sa southbound ng A. Bonifaco Avenue, pagtawid ng Sgt. Rivera, inner lane.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Isasaayos din ang northbound ng Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan City.

Simula 11:00 kagabi hanggang 5:00 ng madaling araw sa Lunes, Pebrero 12, ay sarado ang mga nabanggit na kalsada.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta, dahil sa pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar.