Ni NITZ MIRALLES

INTENSE ang pagtatapos ngayong hapon ng Impostora ng GMA-7 na tumakbo ng anim na buwan sa ere. Hindi bibiguin ng production staff ang viewers sa matagal nilang paghihintay sa ending ng soap, may showdown sina Nimfa at Rosette na parehong ginampanan ni Kris Bernal.

In fairness, hindi lang si Kris ang napuri ng viewers kundi pati rin si Rafael Rosell na bilang Homer ay maayos na naipakita ang iba’t ibang emosyon na kinailangan sa kanyang role.

“Worth it ang mga late taping night namin dahil maganda ang kinalabasan ng bawat episode, nakikita at na-appreciate ‘yun ng viewers. Ang sarap magpuyat at magkapapagod kung alam mong appreciated ng viewers ang mga ginagawa nyo. It’s been a long run, it was a good journey ang sarap ng feeling,” sabi ni Rafael.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi nga lang nasunod ang idea ni Rafael sa ending na mas maging explosive. Ang naisip niyang ending, si Tina (Assunta de Rossi, sister niya sa soap) ang mastermind sa lahat ng kaguluhan at kakuntsaba ni Rosette (Nimfa) sa paglalaro sa kanilang lahat.

Hindi napigilan ni Rafael na purihin ang kahusayan at pagiging propesyonal ni Kris.

“Bilib na bilib ako sa husay niyang umarte at ang tibay ng katawan niya lalo na kapag tuluy-tuloy ang mga eksenang ginagawa niya bilang Nimfa at Rosette. Sana muli kaming magkasama sa isang project ni Kris. Isa pang hinangaan ko sa kanya, kahit may boyfriend na siya, wala siyang restrictions pagdating sa kissing scene. That is being professional,” ani Rafael.

Maganda ang takbo ng career ni Rafael, sa personal life lang siya may problema dahil five years in the making na ang bahay niya sa Antipolo na hindi pa rin nila matirahan.

“Gusto ko nang magmura at gusto ko nang ibalita sa news (na) grabe ang frustration ko. Ilang Christmas na gusto kong doon kami sa bahay magki-Christmas ng family ko pero puro pangako ng contractor. Bagong lipat pa lang ako sa GMA-7 (2012) nang simulan ang bahay, hindi pa rin tapos. Makalipat man kami, luma na ang bahay. Sa condo pa rin ako nakatira.

“Ang problema naman ngayon ang tagal mag-install ng kuryente ang Meralco. Saan ba ako lalapit para magpatulong?

Iniisip ko na lang may rason kung bakit matagal natapos ang bahay at kung bakit hindi muna kami pinalipat. Pero sana, this 2018, matirahan na namin ang bahay at ‘pag nagyari ‘yun, nanamnamin ko talaga at lagi kong maiisip na five years in the making ito,” pahayag ni Rafael.