Ni Ellalyn De Vera-Ruiz

Nanawagan kahapon si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa mga quarry company na nag-o-operate sa six-km. radius permanent danger zone (PDZ) ng Bulkang Mayon na itigil muna ang kanilang operasyon bunsod na rin ng panganib ng bulkan.

Inihayag ni Cimatu na mas mahalaga ang buhay at kalusugan ng mga manggagawa kaysa kinikita ng naturang mga kumpanya.

“It seems that these companies are more concerned with profits than the welfare of their workers who endure the punishing conditions at the mining sites amid the volcanic eruption,” puna ni Cimatu.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Reaksiyon ito ni Cimatu nang makatanggap ng ulat na marami pa ring manggagawa ang patuloy naghahakot ng buhangin at graba sa nasasaklawan ng PDZ sa kabila ng mga babala ng

DENR at ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa lugar.

Pagdidiin ni Cimatu, masyadong mapanganib sa kalusugan ang makapal na abong ibinubuga ng bulkan, bukod pa ang pagragasa ng lava, mga bato at pinapakawalang usok nito.

“Our primordial concern must be the safety and health of all people affected by the eruption of Mayon Volcano,” pagdidiin ng kalihim.

Matatandaang nagbabala na rin ang Phivolcs sa negatibong epekto sa kalusugan at kapaligiran ng volcanic gases, lalo ang sulfur dioxide.

Inilahad ng ahensiya na kapag naghalo ang sulfur dioxide, tubig at hangin ay magiging sulfuric acid ito na pangunahing sangkap ng acid rain, na magdudulot umano ng pagkasira ng kagubatan, mga ilog na magreresulta sa pagkamatay ng aquatic life, at lalamon din sa building materials at mga pintura nito.

Makaaapekto rin, ayon kay Cimatu, ang sulfure dioxide sa ating respiratory system, lalo na sa ating baga at mga mata.

Nauna nang inihayag ng DENR-Bicol na umabot na sa “unhealthy level” ang total suspended particulates (TSP) sa hangin sa Camalig at Guinobatan, kaya inabisuhan ang mga residente na magsuot ng gas mask, bunsod na rin ng panganib ng alikabok sa ating kalusugan.