Ni Jeffrey G. Damicog

Apat na Korean, na pawang hinihinalang carnapper, ang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang apat na sina Young Tae Youn, Byung Wook Ahn, Kim Min Dung, at Park Hyun, na kinasuhan na ng carnapping sa Manila Prosecutor’s Office.

Ang apat na dayuhan ay inaresto ng mga tauhan ng NBI-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) sa entrapment operation sa Maynila bunsod ng reklamo ng isang babae.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa reklamo ng biktima, pinayagan niya si Park Hyun na gamitin ang kanyang Ford EcoSports para sa tour ng mga bisitang Korean.

Nitong nakaraang linggo, sinabihan ng biktima si Park Hyun na dalhin sa kanyang lugar sa Makati City ang kanyang Kia Picanto, subalit nabigo ang suspek at ikinatwirang hiniram niya ang kotse hanggang Pebrero 5, at lumipat sa ibang unit.

Tumawag na lang si Park Hyun sa babae at ipinabatid na tinangay ng kanyang mga pinagkakautangan ang nasabing kotse, at nag-demand ng P1 milyon at dagdag pang P360,000 na interes kapalit ng naturang mga sasakyan.

Dahil dito, humingi ng tulong ang biktima sa NBI.