Ni NITZ MIRALLES

ANG cute ni John Lloyd Cruz, marunong nang mag-Bisaya (Cebuano) nang mag-comment sa Instagram post ni Beauty Gonzalez.

JOHN LLOYD copy

Nag-post ng picture si Beauty na may suot siyang shades at nagtanong si John Lloyd ng, “Asan nimo gipalit imong shades, dai? Hehe ang hirap. Pero san mo nabili yang shades mo?”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Cutlet & Gross shades. Gamay na lang practice Bisaya naka! Mingaw nami ninyo,” sagot ni Beauty na ang ibig sabihin, “Konti na lang ang praktis Bisaya ka na” at “Nami-miss namin kayo.”

Positive ang comments ng followers ni Beauty sa effort ni John Lloyd na matuto ng Bisaya all for his love of Ellen Adarna. Sa susunod, straight na sigurong mag-Bisaya sa pagsasalita at pagsusulat si John Lloyd.