John Quinto (19) vs Michael Canete (14) (PBA Images)
John Quinto (19) vs Michael Canete (14) (PBA Images)

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Arena-Pasig)

1 n.h. -- Batangas-EAC vs Gamboa Coffee Mix-St. Clare

3 n.h. -- CEU vs Marinerong Pilipino

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

5 n.h. -- CHE-LU Bar and Grill-SSC vs. Wangs-Letran

PAG-AAGAWAN ng NCAA rivals CHE-LU Bar and Grill -San Sebastian College at ng Wangs Basketball -Letran ang solong pamumuno sa 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Magtutuos ang Revellers at ang Couriers sa huling laro ng nakatakdang triple bill ganap na 5:00 ng hapon pagkatapos ng salpukan ng Batangas -Emilio Aguinaldo College at Gamboa Coffee Mix -St.Clare ganap na 1:00 ng hapon at ng Centro Escolar University at Marinerong Pilipino sa ika -3:00 ng hapon.

Unang tinalo ng Revellers ang University of Perpetual Help noong nakaraang Enero 22 , 83-70, habang nanaig naman ang Couriers kontra AMA Online Education noong Enero 23, 93-75.

Inaasahan ni dating Jumbo Plastic coach Stevenson Tiu na siyang may hawak sa CHE -LU Bar and Grill - SSC na matapos ang isang laro at ilang linggong ensayo ay makakagamayan na rin nya ang kanyang mga players na pawang mga manlalaro ni coach Egay Macaraya sa San Sebastian at sa dating koponan ng Cafe France.

Bagamat nagwagi sa unang laro, inamin ni Tiu na di pa rin siya gaanong pamilyar sa kanyang mga manlalaro.

Para naman kay Wangs coach Jeff Napa, inaasahan nyang makukumpleto na ang kanyang team sa mga susunod nilang laro.

“Marami pa kaming dapat gawin at meron pa kaming mga injured players na hopefully makalaro na next game, pahayag ni Napa na tinutukoy ang mga beteranong Knights na sina Jerrick Balanza at Jeremiah Taladua.

Mauuna rito, sasabak na rin ang pinakahuling koponan na di pa sumasalang mula sa record field na 13-teams na walang iba kundi ang CEU Scorpions.

Inaasahang mapapalaban ng husto ang tropa ni coach Yong Garcia lalo pa at galing sa talo ang makakatunggaling Marinerong Pilipino na binulaga ng Akari -Adamson University sa nakaraan nilang laban.

Samantala sa pambungad na bakbakan, parehas bigo sa una nilang laro, mag-uunahang makapagtala ng unang tagumpay ang Generals at Coffee Lovers. Babangon ang Batangas sa unang pagkatalong natamo sa kamay ng Zark’s Burger -Lyceum habang babawi naman ang Gamboa sa kabiguang nalasap sa kamay ng Go -for -Gold -St.Benilde. - Marivic Awitan