BOGOTA (AFP) – Limang pulis ang namatay at 41 iba pa ang nasugatan nitong Sabado nang pasabugan ng mga diumano’y traffickers ang isang istayon sa hilagang lungsod ng Barranquilla, ilang oras matapos sumabog ang isang kotse isang security post malapit sa hangganan ng katabing Ecuador. Walang pahiwatig na magkaugnay ang dalawang pag-atake.
Sinabi ni Barranquilla police commander Mariano Botero na pinasabog ang bomba habang nagtitipon ang mga opisyal para sa morning formation.
Isang 31-anyos na lalaking suspek ang inaresto, ayon kay Attorney General Nestor Martinez.