Houston Rockets guard James Harden (13) celebrates sinking a three-point basket in the first half of an NBA basketball game against the Dallas Mavericks on Wednesday, Jan. 24, 2018, in Dallas. (AP Photo/Tony Gutierrez)

Dominasyon ng Rockets sa Mavs, 6-0; Pelicans at Sixers, wagi

DALLAS (AP) — Nagsalansan si James Harden ng 25 puntos matapos mapabilang sa ikaanim na sunod na Western Conference All-Star team para sandigan ang Houston Rockets sa 104-97 panalo kontra Dallas Mavericks nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Nag-ambag si Trevor Ariza ng 23 puntos sa Rockets, nahila ang dominasyon sa rivals sa anim na sunod, kabilang ang 4-0 sweep sa nakalipas na season. Nakopo ng Houston ang ikaapat na sunod na panalo at ikapito sa huling siyam na laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kumubra si Eric Gordon ng 17 puntos, tampok ang 4-of-7 shooting sa three-point area. Naitala ng Rockets ang kabuuang 21 of 51 sa long range, sa pangunguna ni Harden na may 6 of 10.

Nanguna si Wesley Matthews sa season high 29 puntos para sa Mavericks, nabigo sa ikapitong pagkakataon sa 10 laro matapos tumipa ng season-best four-game winning streak.

Tumipa si Clint Capela ng 16 puntos at 13 rebounds sa Rockets.

SPURS 108, GRIZZLIES

Sa Memphis, Tenn., kinapos lang ng isang assist para sa triple-double si Pau Gasol, habang tumipa si Patty Mills ng 15 puntos sa panalo ng San Antonio Spurs kontra Memphis Grizzlies.

Nagtumpok si Gasol ng 14 puntos, 15 rebounds at siyam na assists, habang kumana sina Bryn Forbes at Danny Green ng tig-14 puntos.

Hataw si Marc Gasol, nakababatang kapatid ni Pau, sa naiskor na 18 puntos at pitong rebounds para sa Grizzlies, habang humirit si Dillon Brooks ng 10 puntos.

Sumabak ang Spurs na wala ang leading-scorer at All-Stars selection na si LaMarcus Aldridge, ipinahinga para sa susunod na laban.

PELICANS 101, HORNETS 96

Sa Charlotte, N.C., tumalima si Jrue Holiday sa hamon ng kasanggang si DeMarcus Cousins na maging isang lider nang makaiskor ng 19 puntos, tampok ang dalawang opensa sa huling dalawa’t kalahating minuto para pangunahan ang ratsada ng Pelicans sa ikaanim na panalo sa pitong laro.

Umiskor si Anthony Davis ng 19 puntos, habang kumubra si DeMarcus Cousins ng 16 puntos at 13 rebounds.

Ikinatuwa ni Pelicans coach Alvin Gentry ang diskarte ni Holiday sa atake sa rim.

“The one thing Demarcus kept saying to us was that we have to have the guards drive it because Dwight would not leave my body,” pahayag ni Gentry. “Because Demarcus has the range to shoot 3s, he stayed into his body so Jrue was able to turn the corner and get to the basket.”

Ratsada si Howard sa naiskor na 22 puntos at 16 rebounds para sa ika-1,000 career game.

SIXERS 115, BULLS 101

Sa Philadelphia, ipinamalas ni Ben Simmons ang husay na tiyak na kagigiliwan ng fans kung napabilang siya sa All-Star Game reserve.

Humugot si Simmons ng 19 puntos, 17 rebounds at 14 assists para sa ikalimang career triple-double ngayong season at pagbidahan ang dominasyon ng Sixers, habang kumana sina Joel Embiid at Dario Saric ng 22 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“I wish I did make it, but hopefully there will be plenty more years,” pahayag ni Simmons.

Ayon kay Embiid, kabilang sa napiling starter sa Eastern Conference, na tila may nais patunayan si Simmons, na kabilang sa matinik na player na hindi napabilang sa All-Stars Game.

“He was focused,” sambit ni Embiid. “He just wanted it,” aniya.

Lumaban ang Sixers na wala ang mga na-injured na player na sina JJ Redick (left leg), T.J. McConnell (personal) at Jerryd Bayless (left wrist).

Sa iba pang mga laro, pinabagsak ng Toronto Raptors ang Atlanta Hawks, 108-93; nadomina ng Indiana Pacers sa 116-101; at pinatulog ng Utah Jazz ang Detroit Pistons, 98-95.