Ni Kristel Satumbaga
MULING iwawagayway ni Michael Martinez ang bandila ng Pilipinas sa kanyang pagsabak sa Winter Olympics sa Pyeongchang, South Korea.
“The competition has been very hard since four years ago. It’s going to be tough but I’m happy to be back,” pahayag ni Martinez sa panayam sa television mula sa Los Angeles, California kung saan puspusan siyang nagsasanay.
Nabigyan ng pagkakataon si Martinez na muling makalaro sa Olympics nang umatras si Alexander Majorov ng Sweden sa hindi malamang dahilan.
Nagmintis si Martinez sa pagsabak sa figure skating event nitong September matapos pumuwesto sa ikawalo sa Nebelhorn Trophy sa Germany – ang huling qualifying event para sa Pyeongchang.
Tanging ang pitong skaters lamang ang may slots sa Olympic.
Nakatakda ang Olympics sa Feb. 9-18.
“My coach told me, ‘Let’s just practice just in case.’ Also, a lot of my friends are pushing me to practice so I’ve been practicing. Training here has been amazing,” sambit ni Martinez, patungkol sa kanyang Ukrainian mentor na si Vyacheslav Zahorodnyuk.