marin-cilic copy

MELBOURNE, Australia (AP) — Maipagmamalaki na ni Marin Cilic na nakahanay na siya sa elite ng tennis.

Matapos itarak ang 6-2, 7-6 (4), 6-2 panalo kontra No.49-rank Kyle Edmund ng France, naitala ni Celic ang kasaysayan bilang ikalawang player sa labas ng ‘Big Four’ at kauna-unahang Croatian na nakausad sa championship match ng Australian Open.

Mula noong 2009, sina Roger Federer, Rafael Nadal, Novak Djokovic at Andy Murray ang nagpapanagpo sa men’s finals, hanggang sa natuldukan ni Stan Wawrinka noong 2014.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

At sa pagkakataong ito, may pagkakataon ang 29-anyos na nakabawi sa founding member ng ‘Big Four’. Ito’y kung malalagpasan ni Federer ang ratsada nang sumisikat na Hyeon Chung ng South Korea na tulad ni Celic ay nagbabandang makalikha ng kasaysayan.

Nabigo si Cilic kay Federer sa Wimbledon finals sa nakalipas na taon nang magtamos siya ng in jury. Sa pagkakataong ito, ibang ang bagsik ni Celic.Ginapi ni si No. 10 Pablo Carreno Busta at pinasuko si top-ranked Rafael Nadal.

“I’m feeling really, really good physically,” pahayag ni Celic. “I played a great tournament so far with my level of tennis.

“I improved it comparing to end of the last year. I’m playing much, much more aggressive — feeling really excited about the final, too.”

Ito ang ikatlong major final para kay Cilic, nagawang gapiin si Federer sa semifinals noong 2014 U.S. Open tungo sa kanyang unang Grand Slam title.