Ni ADOR SALUTA

SA kabila ng usap-usapan na nagiging cause of delay ang lead stars ng shooting ng pelikulang Never Not Love You, inihayag ni Direk Antoinette Jadaone na tuluy-tuloy na ang paggiling ng kamera sa said movie na malapit nang mapanood.

Nadine copy copy

Sa katunayan, nasa London ngayon sina James Reid at Nadine Lustre kasama ang crew of Never Not Love You para mag-resume ng shooting. Ibinahagi ni Direk Tonette sa Instagram Stories ang ilang snapshots sa kanilang trabaho sa London.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay nagkaroon ng kontrobersiyal na palitan ng posts sa social media sina Direk Tonette at Nadine tungkol sa delay ng pelikula nila.

Kaya sa panayam sa Tonight With Boy Abunda, tinanong ni Kuya Boy si Nadine kung ano nga ba ang dahilan. At ipinunto ni Nadine na ang ugat ng problema ay ang kanyang iniindang karamdaman.

“Last week, no’ng weekend kasi na ‘yun before that, I was getting sick, fever, headache and then body pain and later we found out that I had an inverted cervical curve. It means my neck instead of going out, it goes in. And then I have scoliosis also which causes the headache and the fever, lahat, Tito Boy,” paliwanag ni Nadine.

Binigyang-diin din ng dalaga na matutuloy pa rin ang pelikula. 

“Tuloy na tuloy, Tito Boy,” aniya.

Nangako rin si Nadine na babalik siya sa pagko-co-host ng It’s Showtime pagkatapos ng kanilang trip at shooting sa London.