Ni ANNIE ABAD

KUNG si Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Phillip Ella Juico ang magdedesisyon sa Philippine Olympic Committee (POC), handa siyang tumugon sa ipinag-uutos na election ng korte.

“If the court said go on with the election, then go ahead mag eleksyon. And if the court said walang eleksyon, e di ‘wag mag eleksyon. If the POC file for a Temporary Restraining Order (TRO) para walang eleksyon, then okay din lang sa akin kung mabigyan,” pahayag ni Juico.

Sinabi ng PATAFA chief na mas pinagtutuunan niya ng pansin ang kanyang National sports at ang kanyang mga atleta, bagay na mas mahalaga sa kanya lalo na sa paghahanda nila sa Asian Games at sa 2019 SEA Games.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I want to concentrate more on my athletes,malapit na Asian Games at SEA Games, so ‘yun na lang ang pagtutuunan ko ng pansin,” pahayag pa ni Juico.

Kamakailan ay ipinakilala ng PATAFA ang foreign coach na si Dan Pfaff na siyang tumutulong ngayon sa kanila upang makapaghubog ng mga dekalidad na National coaches upang madagdagan ang mga dekalidad na atleta ng nasabing sports association.

Samantala, nagsumite naman ng kanilang kahilingan ang tropa ni Boxing chief Ricky Vargas sa pamamagitan ng kanyang mga abogado na utusan ng korte ang POC na ituloy ang eleksyon.

Ang abogado ni Vargas na buhat sa Angara, Abello, Concepcion,Regala and Cruz Law firm (ACCRA) na si George SD Aquino ay nagpahayag na hiniling nila mismo sa korte ng Regional Trial Court (RTC) Pasig na tahasang utusan ang POC para sa pagpapatupad ng eleksyon ngayong darating na Pebrero 23, 2018.

“We requested the court to already direct the POC executive board and the election committee to all the necessary acts to effect the election,” ani Aquino.

Ang naturang pahayag ay lumabas matapos na magpulong ang POC Board na nakatakdang magsumite ng kanilang apela sa korte at humiling ng TRO upang maipagpaliban muna ang nasabing eleksyon.