MELBOURNE, Australia (AP) — Tanging si Angelique Kerber ang nalalabing Grand Slam singles winner na sumasabak sa Australian Open women’s draw. At unti-unti siyang lumalapit para sa isa pang tagumpay sa major.
Napalaban ng husto si Kerber bago napasuko ang world ranked No. 88 na si Hsieh Su-wei,4-6, 7-5, 6-1, nitong Lunes.
“Credit to her. She played an unbelievable match,” pahayag ng dating world No.1. “I was feeling I was running everywhere. She was playing a lot of corners and drop shots. I was bringing a lot of balls back.”
Matapos mahila ang winning streak ngayong season sa 13, mapapalaban si Kerber kay US Open quarterfinalist Madison Keys sa quarterfinals.
Umusad si Keys, nalalabing American woman sa torneo, nang gapiin si No. 8-seeded Caroline Garcia, 6-3, 6-4. Hindi pa natatalo ng set si Keys sa Melbourne Park sa kasalukuyan tangan ang averaged 62.5 minuto sa unang apat na laro.
“I definitely realize how much l love it and how much pressure I put on myself” in the past,” aniya. “Just being really happy to be back out here and not at home in a cast.”
Sa men’s side, balik sa quarterfinals si Tomas Berdych sa ikapitong pagkakataon nang magwagi kay Fabio Fognini, 6-1, 6-4, 6-4.
Target din nina Roger Federer at Novak Djokovic na makakuha ng quarterfinal slots sa pakikipagtuos kina Marton Fucsovics ng Hungary, at Hyeon Chung ng South Korea, ayon sa pagkakasunod.