Bulls, sinalanta ng Warriors; Ariza at Green, suspindido.

CHICAGO — Sa sandaling umuusok ang opensa ng ‘Splash Brothers’, maging ang isang superstar na tulad ni Kevin Durant ay handang magbigay daan. Ganito ang sistema sa Golden State Warriors.

nba copy

Nagsalansan si Klay Thompson ng 38 puntos, habang kumubra si Stephen Curry ng 30 puntos sa harap nang matinding pagbabanta tungo sa 119-112 panalo ng Warriors kontra Chicago Bulls nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Nailista ng defending champion ang franchise record-tying 14 na sunod na panalo sa road game.

“It was an old-school Splash Brother game,” pahayag ni coach Steve Kerr.

Panandaliang naisantabi ang ‘Splash Brother’, taguri kina Thompson at Curry bunsod nang pagkakadagdag ni Durant, ngunit may mga pagkakataon na lumulutang nang magkasabay ang husay ng dalawa. Naitala ni Thompson ang 7 for 13 sa three-point range, habang si Curry ay 6 –for- 11. Wala nang iba pang Warriors ang nakaiskor sa three-point area.

“When they got it going like that, you just play your role and know your place, man,” pagaamin ni Durant.

Kumubra si Durant ng 19 puntos, walong rebounds at pitong assists para tulungan ang Golden State na mapantayan ang third-longest road winning streak sa kasaysayan ng NBA. Tangan ng Los Angeles Lakers ang markang 16 sunod na road wins noong 1971-72 season.

Sunod na haharapin ng nangungunang Warriors (37-9) ang Houston sa huling laro ng kanilang five-game trip sa Sabado (Linggo sa Manila).

“It’s going to be a very tough game Saturday, probably the toughest of the trip,” pahayag ni Thompson. “And if we could go undefeated on this road trip that would be incredible.”

Nanguna si Nikola Mirotic na may 24 puntos sa Chicago, umangat sa 14-8 mula sa malamyang simula na 3-20. Nag-ambag sina Robin Lopez at Kris Dunn na may tig-16 puntos.

“We played three quarters of really good basketball, but you take one off against a team like this, you’re not going to win,” pahayag ni coach Fred Hoiberg.

Sumabak ang Warriors na wala sina All-Stars Draymond Green at Andre Iguodala bunsod ng injury, habang hindi na nakabalik sa laro si Jordan Bell nang ma-sprained nang tangkaing pigilan ang dunk ni Lopez sa unang minuto ng laro.

THUNDER 114, LAKERS 90

Sa Oklahoma City, nadomina ng Thunder, sa pangunguna ni Carmelo Anthony na kumana ng 27 puntos, ang Los Angeles Lakers. Impresibo si Anthony sa catch-and-shoot scorer, ngunit mas epektibo siya sa peremiter. Kung saan naitala niya ang 6 on 3-pointers para sa pinakamatikas na laro ngayong season/

“Once you accept something, regardless of what it is, you become comfortable with it,” pahayag ni Anthony. “I think you start putting your all into it and you start working on that role and on that acceptance and it’s becomes fun. I think right now, I accepted that role early in December and the game is starting to become fun again. Fun for me and fun for us as a team.”

Nagtumpok si Steven Adams ng 21 puntos at 10 rebounds, habang tumipa si Russell Westbrook ng 19 puntos para sa Thunder.

“They just big-boyed us,” pahayag ni rookie Lakers forward Kyle Kuzma. Steven Adams, we couldn’t stop him from getting rebounds today. He was the head of the snake in that department,” aniya.

HORNETS 133, WIZARDS 109

Sa Charlotte, N.C., kumana si Michael Kidd-Gilchrist ng 21 puntos habang tumipa si Dwight Howard ng bagong double-double para makaldag ng Charlotte Hornets ang Washington Wizards.

Naisalpak ng Hornets ang 12 sa unang 13 tira para sa franchise-record 77 puntos sa first half at hilahin ang bentahe sa 16-puntos.

Nanguna si Kemba Walker na may 19 puntos, habang tumipa si Swight Howard ng 18 puntos at 15 rebounds, habang humirit si Jeremy Lamb ng 16 puntos.

Hataw si Bradley Beal sa natipang 26 puntos sa Wizards.

Sa iba pang laro, ratsada si Donovan Mitchell sa iskor na 34 puntos sa 120-105 panalo ng Utah Jazz kontra Sacramento Kings; ginapi ng Toronto Raptors ang Detroit Pistons, 96-91; winasak ng San Antonio Spurs ang Brooklyn Nets, 100-95; dinagit ng Atlanta Hawks ang New Orleans Pelicans, 94-93; natusta ng Miami Heat ang Milwaukee Bucks, 106-101; at tinalo ng Memphis Grizzlies ang New York Knicks, 105-99.

ARIZA AT GREEN, SINUSPINDE NG NBA

Sa Houston, sinuspinde ng tig-dalawang laro na walang bayad sina Houston Rockets’ Trevor Ariza at Gerald Green bunsod nang pagsugod sa locker room ng Los Angeles Clippers para komprontahin si Blake Griffin.

Nakaligtas naman sa suspensyon sina Rockets guards Chris Paul at James Harden dahil tinangka lamang nilang awatin ang kanilang teammates sa pagtungo sa locker room.

Nagkainitan ang Rockets at Clippers sa pagbabalik ni Paul sa Los Angeles mula nang ma-trade sa Houston.

Hindi makalalaro sina Ariza at Green sa laro ng Rockets kontra Minnesota Timberwolves sa Miyerkules (Huwebes sa Manila) at laban sa Golden States warriors sa Sabado (Linggo sa Manila).